Monday, October 20, 2008

isang umagang pageemote ni pilya

nxt year Im turning 25 by march...
4-6 years from now, my target to settle down...pero alam mo yung filling na your running out of time...oo bata pa naman ako kung sasabihin niyo sakin at wag ako magworry, na matagal pa naman yun...
pero d mo mamalayan....
ayan na pala....
sa sobrang bilis ng oras...if i can only stop the clock so that i can do whatever i wanted to do, accomplish whatever i want to accomplish and aim my target goal eh ginawa ko na!
kaso alam naman nating hindi pe-pwede!hindi ganun kadali!

kaya nga nasa satin nalang yun!nakasalalay kung ano man ang magiging decisions natin ngayon for our future!
ang dami dami kong gustong gawin at tuparin...
gaya nalang ang magkaron ng "DREAMHOUSE" na somewhere in antipolo..naks!talagang may place diba?tipong may garden at landscape sa gitna ng living room na ang harang lang nun is salamin para sa sala palang kita na ang garden.tapos yung master's bedroom may walk in closet..charus!tapos tipong yung cr may jacuzzi at mini bar..
para habang nagrerelax eh may wine at d side!taray diba?!aminin niyo inimagine niyo ang itsura ng "dreamhouse" ko!
ok fine!alam ko masyadong magarbo ang gusto ko na tamang pang pangarap lang, eh kaya nga dreamhouse diba?!
pero hindi ba pwedeng maging stepping stone ang isang pangarap para maisakatuparan mo yun?!
pero may kasamang tanong yun eh...kung nandito lang ba ako sa pinas magtatrabaho tingin niyo ba within 4-6yrs mapupundar ko na ba yung sinasabi ko senyong "dreamhouse"eh mukhang uubanin na ata yung magiging anak ko wala pa yung pinagmamalaki kong dreamhouse....
ok.ok.ok. sabi ko nga ako din sasagot ng tanong ko eh..yun ba eh ang mag-ibang bansa ako sa kabila ng krisis nila ngayon dun, may pagkakaiba ba sa nararanasang krisis ngayon sa pinas?!

yun nga ba ang sagot sa tanong ko?!
hay hindi ko alam eh...
ayokong gumawa ng desisyon!
natatakot ako!

ayoko sa bandang huli pagsisihan ko ang mga nagawa kong decisions dahil in the end narating ko nga yung pangarap ko pero may maisasakripisyo ako at baka worst eh mawala pa sa buhay ko....

sa kabialng banda...

ayoko naman na hindi ako gumawa ng decision ngayong palang habang maaga pa tapos pagdating ng araw pagsisihan ko na hindi ko ginawa yung desisyon na yun...

naintindihan niyo?!

hehehe....

basta sa ngayon hindi ko pa alam ang tamang desisyon

pero sana kung magkaroon man ako ng decision sana tama yun!
at sana habang maaga pa alam ko na ang dapat!
at sana wala akong pagsisihan kung ano man ang magiging outcome ng desisyon na yun!