Hindi ko akalain na dadating sa point na hahanap hanapin niya ang kulang sa buhay niya...
Akala ko masaya na siya ng ganun...
Masaya na siya sa nagkagisnan niya..
Masaya na siya kung ano ang nakasanayan niyang gawin at nakaugalian...
Akala ko siya yung lalaking masaya na at kuntento na sa simpleng buhay...
Na hindi kumplikado..
Nakilala ko siya ng simple...
walang hanggad sa mundo...
Nakilala ko siya na bahay trabaho lang ang nakagisnan niya..
Walang bisyo, hindi umiinom, hindi tumatambay..
Pagkatapos ng trabaho, bahay kaagad.
Akala ko masaya siya sa ganun..
Dumating sa punto na gusto niya maramdaman ang mga bagay na yun..
Dumating sa punto na gusto niyang maranasan kung ano ang nararanasan ng isang ordinaryong tao...
Sa punto na gusto niya maramdaman ang pakiramdam na umiinom kasama ang mga kaybigan, kaopisina..
Makipagkwentuhan matapos ang isang mahabang linggo na puno ng trabaho..
May mapaglabasan ng sama ng loob pag mainit ang ulo gawa ng matinding pressure sa trabaho..
Pag may nag-aya, gusto niyang sumama, maki “mingle” sa mga kasama..
Gusto niyang maranasan ang lahat ng yun bago man maging huli ang lahat...
Bago dumating sa punto na pagsisihan niya ang mga yun dahil hindi siya nagkaron ng pagkakataon maranasan ang lahat ng iyon...
Yun pala ang gusto niya simula palang nung una pero hindi nagkakaron ng pagkakataon..
Tila pinagkait sakanya ang pagkakataon na iyon na maranasan ang mga bagay na iyon..
Higit kanino man...
Ako ang mas higit na makakaintindi sakanya..
Ako ang makakaintindi sa nararamdaman niya..
Dahil sa akin niya lahat pinagkakatiwala ang mga nararamdaman at naiisip niya!
Kung yun ang magpapasaya sakanya..
Kung dun niya mararamdaman ang hinahanap niyang saya!
Sino ba ko para pigilin siya?!
Sino ba ko para ipagkait ang mga pagkakataon na yun?!
Andito lang ako para gumabay sakanya..
Andito ako para suportahan at uunawain sa lahat ng disisyon niya..
Ituwid kung minsan nawawala na siya ng landas..
At paminsan minsan eh tapikin siya pag natatangay na siya sa mga pangyayari..
Mahal ko siya... mahal na mahal..
Kung ano ang magpapakasaya sakanya...
Kung ano ang magpapakuntento sakanya at bubuo ng pagkatao niya...
Dun ako, susuportahan ko siya..
Bibigay ko ang buong tiwala ko sakanya,Alam kong hinding hindi niya yun aabusuhin...
alam ko mas magiging masaya siya, pag masaya ako para sakanya..
at gagawin niya ang mga ito na kasama ako at pangakong hinding hindi ko siya iiwan!