ang sarap talaga ng feeling ng mainlove noh?!
at yung pakiramdam na alam mong may nagmamahal sayo ng tunay...
na kahit nakapikit ka,
hindi man kayo magkasama,
o busy kayo sa takbo ng buhay...
alam mo na na may isang tao, bukod tanging tao ang nagmamahal sayo ng lubos!
mag wa-1 year na kami ni fortz this coming january (wee, excited!)
at masasabi ko sa mga napagdaanan namin, hindi sukatan ang tagal o ikli ng relasyon para masabi niyo sa isat isa na ang dami niyo ng napagdaanan na pinatindi na kayo ng panahon.
proud ako sa relationship namin dahil...
kahit anong problema at kung ano pa man ang mga darating saming problema, hindi namin hinayaan maapektuhan at tuluyang masira yung pundasyon na tinayo namin para mabuo kung ano ang meron kami ngayon!
At siguro dahil alam namin sa isat isa na kung ano yung limitasyon namin.
na alam namin kung ano yung pwedeng makasira sa relasyon namin yun yung hanggat maari ay iniiwasan namin gawin.
proud ako kay fortz dahil...
una, hindi siya gumagawa ng hakbang na alam niyang ikasisira ng relasyon namin.
sa loob ng halos isang taon, never pa kaming nagaway dahil sa selos!
never akong nagselos or pinagisipan siya ng masama na baka may kinalolokohan siyang girl o may nakikipagflirt sakanya kasi alam ko sa sarili ko at CONFIDENT kong sasabihin na hinding hindi niya magagawa yun dahil siya mismo pinaparamdam niya sakin na hindi niya magagawa sakin ang lokohin ako. na ako lang yung girl na kaya niyang mahalin na hindi na niya kailangan hanapin pa sa iba! (dun palang laking points na niya sakin kaya lalo akong naiinlove, wahhh *kilig*)
pangalawa, never niya akong pinaglihiman or never siyang nagsinungaling. (true!)
kung may mga taong mabait si fortz na yun. (build-up)
kaya sobrang tiwala ang binibigay ko sakanya kasi pinapakita lang niya sakin na karapat dapat siyang bigyan ng ganung tiwala!
pangatlo, never niya ako inwan!
nung mga panahon na kailangan ko ng karamay, andyan siya...
hindi niya ko iniwan at sa halip tinulungan niya ako makayanan ang matinding pagsubok na dumaan sa buhay ko.
pinilit niyang iabot ang kanyang dalawang kamay para pang hawakan ko at sinasabing "hindi kita iiwan, andito lang ako" (ayyyy)
at last, mahal na mahal niya ko... (lusaw na ko sa mga oras na ito)
ramdam na ramdam ko kung paano niya ako pahalagahan,bigyan ng unawa at mahalin kung ano ang pagmamahal sa kanya.
ang sarap niyang magmahal! (kaya nga siguro high na high ako sa dosage na binigay niyang love medicine, hehehe)
kaya ang masasabi ko lang...
sa pagmamahal na binibigay mo sakin, sobrang salamat!
in return and as i promised i will love you and stay with you for the rest of our long years!!!
Saturday, December 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment